

WHO WE ARE
NEXTWAVE MUSIC is a dynamic recording label committed to crafting timeless music that bridges generational gaps.
Our passion lies in creating songs that resonate deeply with both young and older audiences.
We strive to intertwine fresh sounds with meaningful lyrics that touch the soul.
Our mission goes beyond music production; we are dedicated to nurturing budding artists and providing them with a platform to showcase their talents.
By turning dreams into reality, NEXTWAVE MUSIC empowers every artist to make an indelible mark in the music industry and express their unique voices.
With us, the love for music thrives, and the next wave of artists is born, ready to inspire and connect with listeners worldwide.
Recording Artists
Our Talented Voices

Si Jaira Mayus ay nagsimulang kumanta sa murang edad na 12 taong gulang bilang miyembro ng choir sa Chapel on the Hill, Don Bosco Batulao, kung saan siya rin ang naging taga-kumpas ng grupo hanggang sa siya ay makapagtapos ng kolehiyo.
Lalong lumalim ang kanyang passion sa musika dahil sa impluwensya ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa TikTok. Mula rito, nagsimula siyang magsulat ng mga kwento at concept na kanyang inilalapat sa mga original lyrics ng mga awitin.
Bilang tagapagtatag ng NEXTWAVE Music Label, layunin ni Jaira na maging tulay para sa mga nangangarap na artist—nagbibigay ng oportunidad, inspirasyon, at direksyon upang matuklasan nila ang tunay na purpose sa buhay sa pamamagitan ng musika.

JEC SANTOS
Versatile Rock Icon
Si Jec Santos — isang tunay na Versatile Rock Icon,
ipinanganak noong April 22, 1999.
Isa siyang Recording Artist na may kakaibang timpla ng lakas at emosyon sa kanyang musika.
Bukod diyan, siya rin ay isang Mixing and Mastering Engineer, na gumagawa ng mga tunog na nagbibigay-buhay sa bawat awitin.
Sa likod ng bawat matagumpay na kanta, may mga tulad niyang patuloy na nag-aalay ng husay at dedikasyon sa likod ng mikropono at sa likod ng console.
Kapag tinanong kung ano ang salitang naglalarawan sa Nextwave Music,
ang sagot niya — “Star.”
Dahil sa Nextwave, bawat isa ay may pagkakataong magningning,
at si Jec Santos ay isa sa mga patunay niyan.

MARK STRIDER
Soulful Pop Idol
Ang kanyang music journey ay nagsimula sa murang edad na tatlong taong gulang pa lamang sa kanilang simbahan sa Pangasinan. Sa kabila ng mga pagsubok tulad ng pambubully at paglipat sa Ilocos na naghiwalay sa kanya sa mga kaibigan, ginamit niya ang musika bilang sandalan at paraan ng pagbangon.
May mga panahong huminto rin siya sa pagkanta, ngunit muling bumalik ang kanyang passion nang kailanganin siya bilang vocalist at keyboardist sa kanilang simbahan—at kalaunan, naging daan din ang musika upang makapag-gig at matustusan ang kanyang pag-aaral.
Dito niya napagtanto na ang musika ay isang biyayang dapat ipagdiwang at ibahagi. Ngayon, isa na siyang Champion sa isang Provincial-wide Battle of the Bands, at may ilang Runner-Up na pagkilala sa mga Municipal Battle of the Bands.

PALZKI ALOVERA
Soul R&B
Si Palzkie ay isang mahuhusay at maraming talento na musikero at gitarista na kilala sa kanyang malalim at kaluluwang timpla ng acoustic at R&B na musika. Nakatanghal na siya kasama ang iba’t ibang kilalang banda tulad ng Shatapaket Band, Ngisi Ngisi Band, Rocket Salad Band, at Kimono on Fire, kung saan ipinamalas niya ang kanyang kakayahan sa iba’t ibang genre — mula sa matinding rock hanggang sa malambing na acoustic vibes.
Bilang co-founder ng Sessionista, patuloy na nagbibigay-inspirasyon si Palzkie sa pamamagitan ng kanyang sining, pakikipagtulungan, at dedikasyon sa live music. Sa kanyang taos-pusong pagtatanghal at malikhaing damdamin, siya ay kinikilala bilang isa sa mga pinakamahusay at tanyag na personalidad sa indie at live-band scene.


KENJO ORBASE
The Ballad Tycoon
Siya ay isang Print Ad Model at Multi-Media Artist na nagbigay-buhay sa maraming proyekto sa iba’t ibang larangan ng entertainment. Bilang isang singer at dancer, napabilib na niya ang maraming audience sa kanyang performances sa iba’t ibang corporate events at mall shows, kabilang na ang mga prestihiyosong venues tulad ng SM Supermalls, Robinsons Malls, at Ayala Malls.
Hindi lamang sa stage siya nagningning—isa rin siyang Indie Film Actor na nagpakita ng kanyang husay sa pag-arte. Lumabas na rin siya sa iba’t ibang television shows mula sa dalawang pinakamalaking networks sa bansa: ABS-CBN at GMA Network.
At higit pa sa kanyang talento sa entertainment, siya rin ay isang young entrepreneur na patuloy na nagpapakita ng inspirasyon sa mga kabataan na pagsabayin ang passion at pangarap sa tagumpay. Samahan natin ang bagong Nextwave Music Artist!

ARVI BERNARDO
R&B Soul Balladeer
Nagsimula ang kanyang music journey noong high school nang madiskubre ang kanyang talento sa pagkanta. Sa kabila ng pambabash, pagkawala ng kaibigan, at halos tatlong taong pahinga, pinili niyang bumangon at ipagpatuloy ang kanyang passion.
Ngayon, isa na siyang songwriter at guitarist na may 12 Champion titles sa Discord contests, 3 Top 3 wins sa Litmatch, at naging judge na rin sa iba’t ibang singing contests. Nakapaglabas na siya ng single na “Isang Liham”, at kasalukuyang ilulunsad ang kanyang kauna-unahang carrier single sa ilalim ng NEXTWAVE MUSIC.

LAWRENCE MARQUEZ
Soulful Voice of Ballads
Kinilala siya bilang Ginoong Kalikasan 2014 at namukod-tangi rin sa culinary arts bilang Highschool Master Chef Champion (2014–2015). Isa rin siyang Fire Dancing Champion 2014 at nagpakitang-gilas sa musika bilang 1st Runner-Up sa Buwan ng Wika Singing Competition 2015 at Champion ng Harana Singing Competition 2022.
Ipinamalas din niya ang husay sa kultura at performance bilang tampok sa Katutubong Kasuotan 2015 at Philippine Mythical God 2017 ng Perpetual Help System DALTA. Sa kasalukuyan, isa siyang business owner at inspirasyon na patuloy na nagpapatunay na ang tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, at paniniwala sa sarili.
Samahan natin ang bagong Nextwave Music Artist!

CALVIN CANDELARIA
R&B Soul Supreme
Isang binata na nahubog sa larangan ng musika sa murang edad, na nakasali na sa iba’t ibang paligsahan sa telebisyon at malalaking patimpalak sa bansa tulad ng TAWAG NG TANGHALAN, THE VOICE TEENS & TANGHALAN NG KAMPEON.
Ang kantang ilulunsad niya ngayong gabi ay bunga ng kanyang karanasan, emosyon, at pagmamahal sa musika.
Ito ay para sa lahat ng pusong patuloy na nangangarap at bumabangon, kahit may dalang alaala at pagsubok.
Halina’t samahan natin ang nag-iisang THE VOICE TEENS finalist at kinikilala bilang bagong Nextwave Recording Artis

MARLON PINEDA
Full-Voice Entertainer
DESCRIPTION WILL WRITTEN AFTER GRAND LAUNCHING

ALBERT LAMBINICIO
Emotional-Driven Voice
DESCRIPTION WILL WRITTEN AFTER GRAND LAUNCHING

JACE ARIZAPA
Vocal Powerhouse
Nagsimula siya sa church choir na humubog sa kanyang pundasyon sa musika. Naging bahagi siya ng Kalayaan Singers, Bulacan Masters Choral, at dating Pangulo ng BSU Saring Himig Chorale bilang Tenor 1, soloist, at arranger. Isa rin siyang vocal coach at miyembro ng Acapellago, na nagwagi sa unang contemporary acapella competition ni Maestro Ryan Cayabyab.
Kinatawan niya ang Pilipinas sa ASEAN 50th Anniversary sa Vietnam (2017) at nagkamit ng iba’t ibang parangal tulad ng Hari ng Kundiman Champion, PASUC National Culture and Arts 1st Place Vocal Duet, at TikTok Live Grand Champion.
Ipinapakilala ang bagong Nextwave Music Artist

TAZI RETUSTO
Golden Soul Siren
Mula pa noong 2006, nagsimula na siyang mangarap at magsikap bilang isang amateurista, patuloy na pinapanday ang kanyang talento sa pag-awit. Bilang isang band vocalist, nakasanayan na niyang dalhin ang emosyon at lakas ng kanyang boses sa bawat entablado na kanyang tinutuntungan.
Kinilala ang kanyang husay bilang Starhunt Grand Audition Passer ng Tawag ng Tanghalan—isang patunay ng kanyang kahandaan sa mas malawak na entablado. Higit pa rito, itinanghal siyang Grand Champion ng Genre: The Battle of Voice, at naging Grand Finalist ng Kumunity Idol, na lalo pang nagpatibay sa kanyang pangalan bilang isang powerhouse performer.
Sa layunin niyang maiparinig ang kanyang ginintuang tinig, maipahayag ang tunay na damdamin sa bawat awitin, at ma-inspire ang mga nangangarap na ngayun ay isa sa bagong Nextwave Artist.
VURN
Whimsical Heartbreaker
DESCRIPTION WILL WRITTEN AFTER GRAND LAUNCHING
-----------
-----------
DESCRIPTION WILL WRITTEN AFTER GRAND LAUNCHING
