top of page
NEXTWAVE MUSIC
"Create the Wave, Craft the Sound"
MENU
NEXTWAVE MUSIC
Close
Home
About
Owner's Profile
Jec Santos Profile
Mark Strider
Palzkie Alovera
Kenjo Orbase
Arvi Bernardo
Calvin Candelaria
Lawrence Marquez
Tazi Retusto
Jace Arizapa
Radio/TV Guesting
Lyric Videos
Youtube
Book Online
BAGONG MUNDO - ft. Lawrence Marquez MP3 Final
00:00 / 04:03
YOUTUBE LYRICS VIDEO
YT Lyric Videos
Play Video
Play Video
04:15
HINDI NA BA LYRIC VIDEO - ft Tazi Retusto
Isang kwento ng pag-ibig na nagsimula sa kasiguraduhan ngunit nagtapos sa tanong. Dalawang taong dati’y hindi mapaghiwalay—punong-puno ng tawanan, kwentuhan, at mga pangakong akala mo’y panghabambuhay. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, unti-unting naglaho ang lahat—parang bula na biglang nawala. Naiwan ang isa, pilit inuunawa kung saan nagkamali, kung bakit nagbago, at kung kailan nagsimulang mawala ang dating sigaw ng pagmamahal. Habang patuloy siyang kumakapit sa alaala, dumarating ang punto ng pagtanggap—na minsan, kahit gaano mo kamahal ang isang tao, hindi sapat iyon para manatili siya. At sa huli, ang pinakamahirap tanggapin ay ang katotohanang hindi ikaw ang tinadhana para sa kanya—kahit akala mo noon, ikaw na. Minsan, ang “forever” nagiging “bakit?” Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: TAZI RETUSTO Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics : "HINDI NA BA" Verse 1 Bakit ba kailangang iwanan pa? Bakit ba Nag lahong Para bula Pre-Chorus: mga pangako ay napako at iniwang mag isa. Ano bang nangyari sating dalawa Chorus: Hindi na ba ako... ang iyong mahal ? Oh di na ba ako sinisigaw. Ng yong puso na akala ko ay mag.. Tatagal Oh Hindi....na ba ako? Ang tinadhana sayo. Verse 2 Nasanay na palaging nanjan ka pa hinahanap hanap ka sa twina ang Mga tawanan at kwentuhan ay alaala nalang ba? Bakit ba kase kailangan na lumisan pa. Pre-Chorus: Oh Ito na nga ba ang huli? oh San ba ko....nag kamali? oh san ba? Chorus: Hindi na ba ako... ang iyong mahal ? Oh di na ba ako sinisigaw. Ng yong puso na akala ko ay mag.. Tatagal Oh Hindi....na nga ba ako? Ang tinadhana sayo. Bridge: Kung di na nga ako. laman ng bago mong mundo, Handang handa kong tanggapin Kahit na di naging akin Ang puso mong akala ko ako parin. Final Chorus (mas emotional): Hindi na ba ako... ang iyong mahal ? Oh di na ba ako sinisigaw. Ng yong puso na akala ko ay mag.. Tatagal Oh Hindi....na nga ba ako? Ang tinadhana sayo.
Play Video
Play Video
03:49
TIBOK NG PUSO LYRIC VIDEO - ft. Albert Lambinicio
Isang kwento ng pusong marunong maghintay at manalig—kung saan ang tahimik na paghanga ay naging matatag na pagmamahal. Sa kabila ng panahon at pagsubok, pinili niyang ipaglaban ang damdamin hanggang ito’y masuklian. Isang pag-ibig na hindi lang ipinangarap, kundi pinili at pinanindigan hanggang dulo. Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: ALBERT LAMBINICIO Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics : "TIBOK NG PUSO" Verse 1 Alam mo ba na kai tagal tagal kitang hinihintay. Sa bawat pag tingin alam ko nang ikay para sakin. Bawat minuto akoy nag dadasal sa may kapal. Na maramdaman mo lang ang tunay kong pag mamahal. Pre-Chorus: Pinapanalangin ko kay bathala ang isang katulad mo na Chorus: Mamahalin, aarugain , susungkitin ko man buwan at bituin, sa bawat saglit kong pag tingin ay Tila anghel punong puno ng ningning, At kahit kailan walang hangganang pag mamahal Verse 2 Ulan man o bumabagyo hindi ito Mag lalaho, pag ibig ko sayoy tutuo, Wala nang iibigan pa, handa nakong Umusad sa pag ibig na walang kawalan. Pre-Chorus: Pinapangako ko kai bathala habang buhay kitang Chorus: Mamahalin, aarugain Susungkitin ko man ang buwan ay bituin Sa bawat saglit kong pagtingin Tila anghel punong puno ng ning ning At kahit kailan walang hangganang pagmamahal Bridge: Oh wala wala walang hangganang Pag ibig ko sayo ohh Hindi mag mag babago, pag ibig ko sayo Outro Mamahalin, aarugain Susungkitin ko man buwan at bituin
Play Video
Play Video
04:42
DI TINADHANA LYRIC VIDEO - ft. Mark Strider
Ang “DI TINADHANA” ay kwento ng dalawang taong nagmamahalan pero nahaharap sa realidad na hindi lahat ng gusto ay pwedeng mangyari. Nagsimula ito sa tanong kung hanggang saan aabot ang kanilang relasyon—kung ito na ba ang dulo ng isang akala nilang walang hanggan. Habang lumalalim ang damdamin, mas lalo ring lumalabas ang mga hadlang na hindi nila kayang kontrolin. Sa kabila ng pagnanais na ipaglaban ang isa’t isa, paulit-ulit silang napapaisip: “Pwede pa ba… o hanggang dito na lang?” Dumarating ang punto ng pagkalito—susundin ba ang puso o tatanggapin ang katotohanan? Kahit may pag-asa, nananatiling “depende” ang lahat, na unti-unting nagiging sagot sa tanong kung sila ba talaga ang para sa isa’t isa. Sa huli, pinili nilang tanggapin na hindi sapat ang pagmamahal kung hindi ito sinusuportahan ng tamang panahon at pagkakataon. Isang tahimik ngunit masakit na desisyon ang ginawa—ang bitawan ang isa’t isa, hindi dahil wala nang pagmamahal, kundi dahil hindi sila ang itinadhana. Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: MARK STRIDER Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics : "DI TINADHANA" Verse 1 Heto na ba Ang dulo ng walang hanggan Ang dulo para sa'ting istorya Hanggang dito nalang ba Pre-chorus Kaya ba ilaban Oh ito nang hangganan Ano ba dapat na gawin Chorus Di ba talaga pwede Di ba talaga pwede Bakit puro depende Bakit puro depende Ang pag ibig para sa'ting dalawa Oh itinakda ba Oh di itinadhana Maging tayong dalawa Verse 2 Ano ba dapat na gawin Kung puso ba ay susundin Oh ano nga ba Akoy nalilito Oh Oh Wooaaahhh. . . Pre-chorus Kung pwede bang sundin aking puso Baka pwede pa tayo hanggang dulo Chorus Di ba talaga pwede Di ba talaga pwede Bakit puro depende Bakit puro depende Ang pag ibig para sa'ting dalawa Oh itinakda ba Oh di itinadhana Maging tayong dalawa Bridge Pwede ba na itago Woooaaahhh. . . Kahit pa madihado Woooaaahhh. . . Oh andito ako Di na para sayo Oh andito ako Di na para sayo Chorus Di ba talaga pwede Di ba talaga pwede Bakit puro depende Bakit puro depende Ang pag ibig para sa'ting dalawa Oh itinakda ba Oh di itinadhana Di ba talaga pwede Di ba talaga pwede Bakit puro depende Bakit puro depende Ang pag ibig para sa'ting dalawa Woooaaahhh. . . Oh itinakda ba Oh di itinadhana Maging tayong dalawa
Play Video
Play Video
04:43
MULING AKO LYRIC VIDEO - ft. VURN
Minsan, darating tayo sa puntong puro pagkakamali, sakit, at kabiguan na lang ang nakikita natin sa sarili. Habang nalulunod sa takot at pangamba, tila nawawala ang direksyon ng buhay. Ngunit nang matagpuan ang isang sinag ng pag-asa, nagsimula ang tunay na pagbabago. Unti-unting niyakap ang mga sugat ng kahapon, pinatawad ang sarili, at ginawang lakas ang bawat sakit upang muling bumangon. Sa bawat hakbang, mas pinili ang pag-asa kaysa pagsuko at ang pananampalataya kaysa takot. At sa huli, ang dating sugatan ay naging mas matatag, handang harapin ang bukas at buong tapang na sabihin Hanggang sa ako naman ang magwawagi. Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: VURN Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics : "MULING AKO" Verse 1 Tanging. mali ko lang ang syang tanaw. Sa pagbangon ko ay tila di malinaw. Sa pag ka lugmok at pangamba Bakit ba Galit ang natira... Pre-Chorus: Hanggang sa natagpuan Ang liwanag na sa akin ay magpapasaya Chorus: Unti-unti kong niyakap. Nakaraang mga sugat. Ang Bawat sakit ay aking hinaharap Oh patawarin ang kahapon at Muling iaangat Hanggang sa....ako muli Ang mag wawagi, ang mag wawagi Verse 2 Tinatahak ang daan tungo sa liwanag at Iniwanan ang nakaraan oh Lumaban at papanindigan ang Bawat hakbang sa buhay ko ang tanging sasandalan Pre-Chorus: Ang mga sugat ng kahapon Ang syang naging lakas para bumangon Mapagtagumpayan... Chorus: Unti-unti kong niyakap. Nakaraang mga sugat. Ang Bawat sakit ay aking hinaharap Oh patawarin ang kahapon at Muling iaangat Hanggang sa....ako muli Ang mag wawagi Bridge: Kung muli mang maligaw ay Babalik sa yong ilaw Pagkat lakas ng puso ay sayo lamang iaalay..... Final Chorus Unti-unti kong niyakap. Nakaraang mga sugat. Ang Bawat sakit ay aking hinaharap Oh patawarin ang kahapon at Muling iaangat Hanggang sa....ako naman Ang mag wawagi
Play Video
Play Video
04:04
BAGONG MUNDO LYRIC VIDEO - ft. Lawrence Marquez
Ang kantang ito ay kwento ng sakripisyo, pangarap, at katatagan ng isang taong handang lumaban para sa kinabukasan ng kanyang pamilya. Ipinapakita nito ang buhay ng isang taong nagtiis, nagpakalayo sa mahal sa buhay, at pansamantalang isinantabi ang sariling pangarap upang maglingkod at maghanap ng mas magandang oportunidad. Sa kabila ng lungkot ng pagkawalay, mga luha na itinatago, at maraming pagsubok na dinadala, ang pag-ibig sa pamilya ang nagiging lakas upang patuloy na bumangon. Ang mensahe ng kanta ay tungkol sa pagtanaw sa narating na—na kahit mahirap ang dinaanan, ang bawat hakbang ay patungo sa tagumpay. Isang paalala na ang bawat sakripisyo ngayon ay may liwanag na naghihintay sa hinaharap. Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: LAWRENCE MARQUEZ Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics : "BAGONG MUNDO" Verse 1 Matagal din nag tiis at lumalaban, Nag pakalayo layo at nanilbihan, tumigil sa pangarap at tinahak ang daan Para sa pamilya mapagtatagumpayan Pre-Chorus ang pag-ibig ang aking lakas, sa sakit na tiniis, Kayo aking kanlungan Sa labang...haharapin... Chorus Tanawin mo ang layo na ng iyong pag lipad Kahit na, marami ang pag subok na pasan para sa kinabukasan. mapait man kapalaran. handang handa nakong harapin ang bagong mundo Verse 2 matagal man na nawalay sainyo matagal ding lumuluhang patago At hindi na papapigil at gagawin lahat Madapa man ay babangon At muli na aangat Bridge kung alam lang ng mundo ito'y isisigaw sainyo matalo man sa kapalaran ay wag kang susuko... Chorus Tanawin mo ang layo na ng iyong pag lipad Kahit na, marami ang pag subok na pasan para sa kinabukasan. mapait man kapalaran. handang handa nakong harapin ang bagong mundo woahhhhhh ohhhhhhhhh ang bagong mundo... madami man ang hadlang patuloy laang sa pag hakbang hangang sa, tayo naman ang mag wawagi Outro tanawin mo ang layo na ng iyong pag lipad Liwanag mo, ang gabay Hanggang sa,,,tagumpay para sa kinabukasan mapait man kapalaran handang handa mo na harapin ang bagong mundo
Play Video
Play Video
04:08
IKAW SANA LYRIC VIDEO - ft. Kenjo Orbase
Ang kantang ito ay kwento ng isang pag-ibig na inakala mong itinadhana na habang buhay mong makakasama. Dalawang taong matagal na nangarap na maging isa, naghintay sa tamang panahon, at naniwala na sila ang para sa isa’t isa. Ngunit sa kabila ng mga pangarap at pangako, dumating ang pagkakataon na biglang nagbago ang tadhana. Kung kailan posible na sana ang lahat, saka naman naglaho ang taong pinakamamahal. Sa kabila ng sakit at pagkawala, nananatili ang pag-ibig at pag-asa ng puso—na balang araw, sa ibang panahon o sa kabilang buhay, muli silang magkikita at maipagpapatuloy ang pagmamahal na hindi natupad. Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: KENJO ORBASE Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics : "IKAW SANA" Verse 1 Hindi, di ko inakala Na ang araw na ito ay darating Oh Ikaw, ikaw ang syang tadhana Na palagi kong hihilingin Pre - chorus Pero tila bakit parang nag iba Ang tadhana para sating dalawa Chorus Ikaw ang tadhana sinta tahanan at kanlungan ko hanggang pag tanda ikaw ang hiling sa mga bituin sa kabilang buhay...... hihintayin Verse 2 Kay tagal.. nating hiniling. Ang maging isa sa harap ng bituin...... Bakit ba kung kelan pwede na Saka naman sakin nawala nag laho na para bang bula kay sakit nitong tadhana bakit mo ba pinadama ang pag ibig kung saakin babawiin din naman pala Chorus Ikaw ang tadhana sinta tahanan at kanlungan ko hanggang pag tanda ikaw ang hiling sa mga bituin sa kabilang buhay...... hihintayin Bridge Kung may pag kakataong Na makasama kapa Di na kita iiwan pang mag isa Yayakapin ka sinta At aalayan ka ng kanta sasamahan ka hanggang sa huli. Soft Chorus Ikaw ang tadhana sinta tahanan at kanlungan ko hanggang pag tanda ikaw ang hiling sa mga bituin sa kabilang buhay...... hihintayin
Play Video
Play Video
05:48
IKAW ANG DAHILAN LYRIC VIDEO - ft. Marlon Pineda
Ang kantang ito ay alay sa lahat ng nawalan ng pag-asa, sa mga patuloy na lumalaban, at sa mga "kapatid" na naging ilaw sa gitna ng dilim. Isang paalala na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa narating natin, kundi sa mga kamay na humawak sa atin habang tayo'y muling bumabangon. "The greatest victories are achieved when no one is left behind." Ang pagbangon ay mas nagiging makabuluhan kapag may taong handang umalalay sa bawat hakbang. Sa tunay na pagkakaibigan, pagmamahal, at pagtutulungan, kahit ang pinakamadilim na yugto ng buhay ay maaaring maging simula ng isang bagong tagumpay. Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: MARLON PINEDA Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranger & Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics : "IKAW ANG DAHILAN" Verse 1 Noong tayo’y naiwan sa mundong tahimik, Ako’y naligaw, puso’y napapikit, Sa bigat ng bukas ako’y napahinto, Halos mabaliw sa dilim na ‘di ko matanto. Pre-Chorus: Ngunit sa gitna ng aking pagguho, May tinig mong muling bumuo, Isang tawag na puno ng pag-asa, Na humila sa’kin sa pagdurusa. Chorus: “Kapatid, narito pa ako, huwag kang mangamba, Sa bawat unos, di kita iiwan pa, Hawakan mo lang ang aking kamay, Magkasama nating tatahakin ang buhay.” Sa tinig mo ako’y nagising, Ako’y bumangon… muling naging akin. Verse 2 Mula sa lupa ako’y muling tumayo, Pinulot ang lakas na nawala sa’kin, Ginawa kong ilaw ang iyong pangarap, Sa bawat hakbang ako’y lumalakas. Pre-Chorus: Ikaw ang dahilan ng aking laban, Liwanag sa dilim ng aking daan, Sa tibok ng pusong muling nabuhay, Pagbangon ko’y sa’yo iniaalay. Chorus: “Kapatid, narito pa ako, huwag kang mangamba, Sa bawat unos, di kita iiwan pa, Hawakan mo lang ang aking kamay, Magkasama nating tatahakin ang buhay.” Sa pangarap na sabay nating buo, Ako’y lalaban, hindi susuko. Bridge: Kung ako’y muling madapa, Ikaw ang tinig na magpapaalala, Sa pag-ibig mo ako’y lalakas, At sugat ko’y tuluyang maghihilom sa wakas. Final Chorus “Kapatid, narito pa ako, sabay tayong lalaban, Sa bawat hakbang, pangarap ay kakamtan, Magkahawak kamay sa hirap at ginhawa, Hanggang sa bukas na tayo ang lumikha.” Mula sa dilim ako’y nabuhay, Dahil sa’yo… ako’y nagtagumpay.
Play Video
Play Video
04:08
SA PAGBANGON KO LYRIC VIDEO - ft. Calvin Candelaria
Ang kanta ay kuwento ng isang taong sugatan pero patuloy na bumabangon matapos masira ang mga pangarap at pangako. Sa simula, makikita ang pagod na sarili—ngumingiti sa harap ng salamin kahit puno ng lungkot at alaala ng mga pangakong hindi natupad. Habang lumilipas ang panahon, napagtanto niya na hindi lahat ng sakit ay hinahayaan lang ng oras—may mga sugat na lalong sumasakit habang naghihintay. Sa kabila nito, dala pa rin niya ang presensya ng minahal—kasama sa bawat pagbangon, kahit hindi na sila magkasama. Sa ikalawang bahagi, lumilitaw ang katahimikan at pag-iisa, kung saan ang kaibigan na lang ang kakampi, at ang tanong kung nasaan na ang minahal ay nananatiling walang sagot. Gayunman, pinipili pa rin niyang manatili, kahit lumipas ang maraming taon. Sa bandang huli, may pagtatanto—na mahalaga ang kanilang pinagsamahan, at kung hindi man sila magtagpo muli sa buhay na ito, may pag-asang muling magkikita sa kabilang buhay. Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: CALVIN CANDELARIA Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics : "SA PAGBANGON KO" Verse 1 Sa salamin tanaw, ang pagod mo na mata Pilit ngumingiti sa malungkot na alaala pangarap, minsang sinilaban Ng pangakong hindi na mapapanindigan Pre-Chorus Sabi nila, kailangan lang ng oras Pero bakit parang lalo lang lumalim, mga sugat? Chorus Sa pagbangon ko'y, kasama kita May luha man sa, bawat pag gunita oh kahit hindi na makikita pa ang tahanan sa huling pahina sa kwento nating dalwa Verse 2 naghihintay sa tahimik na gabi. tanging Kaibigan ang kasama ko at kakampi. sa tagal ng panahon nasan kana ngayon? oh akoy andito lang kahit pa na ilang taon Pre-Chorus 2 dahil mahal kita, kahit wala kana Pwede bang ibalik, pwede bang bumalik Chorus Sa pagbangon ko'y, kasama kita May luha man sa, bawat pag gunita oh kahit hindi na makikita pa ang tahanan sa huling pahina sa kwento nating dalwa Bridge Ngayon lang na-pagtanto Na ang halaga ng ating mundo Sa kabilang buhay, maghihintay Hanggang sa muli hanggang huli Final Chorus Sa pagbangon ko'y, kasama kita May luha man sa, bawat pag gunita oh kahit hindi na makikita pa ang tahanan sa huling pahina sa kwento nating dalwa
Play Video
Play Video
04:02
ISANG TALA LYRIC VIDEO - ft. Arvi Bernardo
Isang pag-ibig na nagsimula sa simpleng paghanga at naging matibay na pangako sa paglipas ng panahon. Sa bawat ngiti at alaala, nagiging liwanag ang minamahal sa buhay ng isa’t isa. Sa kabila ng takot na mawalan, pinili nilang manatili at magmahal nang buo—araw-araw, walang sawa, parang iisang tala sa kanilang mundo. Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: ARVI BERNARDO Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics : "ISANG TALA" Verse 1 Alam mo ba sinta Para kang anghel Sa kalangitan ang yong ngiti ay nag niningning Pre-Chorus: Na parang Bituin Ikaw lang ang aking hiling Makasama ko hanggang huli Chorus: Aking sinta ikaw lang talaga ang nag iisang tala (isang tala) sa aking mata wala ng iba ikaw at ikaw ang pipiliin ko sa araw araw Verse 2 Di mag sasawang sabihin na mahal kita (na mahal kita) Hanggang pag tanda handang samahan ka (sasamahan ka) Pre-Chorus: Ikaw at ikaw lang sinta Hanggang sa dulo ng mga tala ahh... Chorus: Aking sinta Ikaw lang talaga Ang nag iisang tala (isang tala) Aa aking mata wala ng iba Ikaw at ikaw ang pipiliin ko sa araw araw Bridge: Di ko alam ang gagawin Pag nawala ka saking piling kaya Paulit-ulit hihilingin Na ikaw lang at ikaw parin Final Chorus (mas emotional): Aking sinta Ikaw lang talaga Ang nag iisang tala Sa aking mata wala ng iba Ikaw at ikaw ang pipiliin ko sa araw araw
Play Video
Play Video
04:21
LOVE TAUGHT ME LYRIC VIDEO - ft. Jace Arizapa
Isang kwento ng paglaki na hinubog ng pagmamahal ng pamilya—sa piling ng lolo’t lola na nagsilbing gabay at tahanan habang ang ina ay malayo ngunit patuloy na nagmamahal. Sa bawat panalangin, bawat tahimik na sakripisyo, natutunan ng bida na ang pag-ibig ay hindi nasusukat sa presensya kundi sa lalim ng koneksyon. Habang siya’y lumalaki, unti-unti niyang nauunawaan na ang tunay na pagmamahal ay hindi lang salita—ito ay ipinapakita, pinaninindigan, at pinipili araw-araw. Hanggang sa dumating ang taong magpaparamdam ng buong kahulugan ng pag-ibig—walang takot, walang alinlangan. Sa kanilang pagsasama, dalawang pusong pinalaki ng pagmamahal ang nagsanib upang bumuo ng iisang pangarap—isang simpleng buhay na puno ng katotohanan, pagtanggap, at panghabambuhay na pagpili sa isa’t isa. Isang paglalakbay mula sa pinagmulan… patungo sa taong itinadhana. Love begins at home—even in absence, it still grows. Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: JACE ARIZAPA Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics : "LOVE TAUGHT ME" Verse 1 I was young, held by hands so kind Grandma’s prayers, Grandpa’s quiet time A mother’s love from far away Still lived in me, though she couldn’t stay Pre-Chorus Through all the spaces, I learned somehow Love finds a way, it teaches you how Chorus That’s where love taught me how to feel To give my heart, to make it real Not perfect, but honest and true That’s who I became when I met you Verse 2 Growing up with a steady light Family laughter in every night I knew love wasn’t just a word It’s showing up, it’s being heard Pre-Chorus 2 So when you came into my life I held you close, no fear inside Chorus That’s where love taught me how to stay To choose you in the quiet days I gave you more than just my time I gave you all this heart of mine Bridge And you loved me the very same With gentle hands, without a game Two families, one shared dream A simple life, a perfect scene Final Chorus Now here we are, still standing strong Surrounded by where we belong If love’s a story meant to be It started there… and led me here to you Outro Mmm… led me here to you
Play Video
Play Video
02:31
MALIGNO LYRIC VIDEO - ft. Zakie
Ang “Maligno” ay isang awiting babala tungkol sa panlilinlang at pagkukunwari. Ipinapakita nito kung paano may mga taong magaling magtago sa likod ng matatamis na salita at mabuting imahe, ngunit sa likod noon ay nais ka lang gamitin, paikutin, at saktan. Sa dulo, hinihikayat ang tagapakinig na maging mapagmatyag, matalino, at matatag—na huwag hayaang maging biktima ng mga “maligno” sa lipunan, sa relasyon, o sa paligid. Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: ZAKIE Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics : "MALIGNO" (Verse) Nakakatakot na nilalang Wag kang mag papalinlang Sya'y nasa tabi tabi Hindi ka makakawala Sa mga matatamis n'ya na pinagsasabi (Pre-chorus) Unti unti ka nyang Lilinlangin Sa mga patibong n'ya na hinain Hindi ka makakawala (Chorus) Hanggang sa gagawin ka niyang Tanga.... Sa laro n'ya Ikaw ang biktima Ikaw ang biktima..... Kaya mag ingat ka sa maligno na ang paka'y ay gamitin kalang Paiikutin at pag lalaruan Ang isang tulad mo na walang Ka-alam alam Sa maligno na nag papanggap lang (2Verse) Nakaka kilabot o tila walang takot Ba't nag kalat sila Sa tabi tabi na parang Basura sa lansangan Wag na wag kang papauto (Pre-chorus) Unti unti ka nyang Lilinlangin Sa mga patibong n'ya na hinain Hindi ka makakawala (Chorus) Hanggang sa gagawin ka niyang Tanga.... Sa laro n'ya Ikaw ang biktima Ikaw ang biktima..... Kaya mag ingat ka sa maligno na ang paka'y ay gamitin kalang Paiikutin at pag lalaruan Ang isang tulad mo na walang Ka-alam alam Sa maligno na nag papanggap lang Kaya mag ingat ka!
Play Video
Play Video
02:51
LIGAYA SA PASKO LYRIC VIDEO - ft. Arvi Bernardo & Mark Strider
Ang awiting “Ligaya sa Pasko” ay isang masigla at makabagbag-damdaming kwento ng saya, pagkakaisa, at pagmamahalan tuwing kapaskuhan. Ipinapakita nito ang kasabikan sa Simbang Gabi, ang liwanag ng mga parol, at ang tunay na diwa ng Pasko—ang makasama ang pamilya at mga mahal sa buhay. Sa gitna ng handaan, tawanan, sayawan, at simpleng regalo, ipinapaalala ng awit na ang pinakamahalagang regalo ay ang presensya ng isa’t isa. Isang paanyaya ang kantang ito na sabay-sabay salubungin ang isang maligaya at magarbong Pasko, nang walang pangamba at punô ng ligaya. Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: ARVI BERNARDO & MARK STRIDER Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics of "LIGAYA SA PASKO" (Verse 1) Malapit na ang araw ng simbang gabi Tanaw na rin ang magagandang dekorasyon Na tila ba bituin sa dami ng parol Ito na ang pinaka-masayang panahon (Pre-Chorus) Na lagi kong inaasam Ang makasama kayo taon-taon (Chorus) Ngayong Pasko, na kay saya Huwag ka nang mangangamba Dahil kami’y nandito na Para tayo’y magsaya (Tayo’y magsaya) Magsayang walang humpay Tara na’t sabay-sabay Na salubungin ang ating Maligaya’t magarbong Pasko (Verse 2) Meron iba’t ibang handa na Talagang swak na swak sa Noche Buena at Pasko Na ating mapapapak Sabay-sabay na pagsaluhan Samahan na rin ng indak Sa paborito natin na tugtugan (Bridge) Oh, anong regalo ang gusto mo? Oh, huwag ka nang magtatampo Dahil andito na si Santa Para magbigay ng aginaldo at ligaya Basta’t walang malulungkot Magsasaya tayo ngayong taon (Chorus) Ngayong Pasko, na kay saya Huwag ka nang mangangamba Dahil kami’y nandito na Para tayo’y magsaya (Tayo’y magsaya) Magsayang walang humpay Tara na’t sabay-sabay Na salubungin ang ating Maligaya’t magarbong Pasko (Final Chorus / Outro) Ngayong Pasko, na kay saya Huwag ka nang mangangamba Dahil kami’y nandito na Para tayo’y magsaya ___________________________________________________ ***Abangan sa 2026*** Sa tawanan at awitan Hanggang sa bagong taon Ito ang ligaya ng Pasko Pagmamahal magpakailanman 🎄✨
Play Video
Play Video
02:59
SALAMAT NEXTWAVE CHRISTMAS VERSION LYRIC VIDEO - ft. Jec Santos, Zakie & Iron Flores
“Salamat, Nextwave” ay isang taos-pusong pagpupugay sa lakas ng pagkakaisa, pakikipagkapwa, at pag-ibig. Sa mundong puno ng pagbabago at kawalang-kasiguruhan, isinasalaysay ng bidyong ito ang kwento ng isang grupo na hindi lang basta naging team—kundi naging pamilya. Sa bawat hamon, tagumpay, at mga tahimik na sandali sa pagitan, nanatili silang magkasama—paalala sa ating lahat na bawat isa ay karapat-dapat na maramdaman na siya ay nakikita, sinusuportahan, at minamahal. Ito ay pasasalamat sa bawat paglalakbay, sa bawat tinig, at sa matibay na samahan na nagbigay saysay sa pangalang Nextwave—dahil higit pa ito sa isang pangalan, ito ay naging tahanan. Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: JEC SANTOS, ZAK KIE, IRON FLORES Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics of "SALAMAT NEXTWAVE" Intro Woah, Lets go Next wave (Verse1) Kamusta ka na? oh mahal kong kaibigan Alam ko na meron kang pinag dadaanan Kahit hindi mo naman sakin aminin Ramdam ko na meron kang gusto na sabihin Kakampi ako sa mga lihim mong laban Pamilya kaibigan mo ang iyong sandalan Dahil ikaw din ang aking karamay Nung panahon na Walang gusto na dumamay (Chorus) Maraming salamat sayo Dahil hindi sinukuan yung dating ako Na palaging mali at puro lang negatibo Kayo yung nandiyan nung di ako sigurado Maraming salamat sayo Dahil hindi sinukuan yung dating ako Na palaging mali at puro lang negatibo Kayo yung nandiyan nung di ako sigurado (Verse2) Di mo na kailangan pang itanging Masaya pag kasama na Ang kaibigan kong Kay sarap kasama Mapa gabi man yan o mapa umaga Dahil kayo ang aking hiling Hangang sa huli gusto kayo padin ang kaibigan Na makakasama hangang pag tanda kayo ang gustong maging tropa (Chorus2) Maraming salamat sayo Dahil hindi sinukuan yung dating ako Na palaging mali at puro lang negatibo Kayo yung nandiyan nung di ako sigurado Maraming salamat sayo Dahil hindi sinukuan yung dating ako Na palaging mali at puro lang negatibo Kayo yung nandiyan nung di ako sigurado Kaya salamat (next wave) sayo
Play Video
Play Video
02:51
WHAT IF, WHAT IF LYRIC VIDEO - ft. Zakie
Ipinapakita ng kanta na minsan, ang lakas ng loob at pagiging totoo sa damdamin ang unang hakbang para mapansin at pahalagahan. Kahit nagsimula sa simpleng paghanga at tila “wapakels” ang kabilang panig, ang tiyaga, saya, at pagiging confident sa sarili ay may kapangyarihang magbukas ng puso. Huwag matakot umamin at ipakita kung sino ka—dahil kapag totoo ang intensyon at masaya ang puso, may tsansang ang pangarap na “what if” ay maging realidad. Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: ZAKIE Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics : "WHAT IF, WHAT IF" (Verse 1) Akoy napadaan at natigilan Sa isang lalaki aking natipuhan Bawat tingin sa akin ay talaga namang mapapaibig pag biglang pang kinantahan Woah woah woah Dumaan ang mga araw na tiis ganda pasulyap-sulyap lang sa iyong itsura Pag dumaan ang hari wow yan bongga agad agad namang aaura tong reyna (Chorus) What if what if akoy sa iyo ajah! What it what if maging tayo aww What if what if nabighani moko Mahal na hari akoy sa iyoI (Verse 2) nung ako na ang kumanta ito'y para sayo (wow) hindi mo to alam kase ito ang lantod ko (uy) sana naman ay mapansin andito lang ako(toinks) ang mga salita kong to ito'y para sayo ( he yeah eh yeah he yeah)(wow) Araw gabi im getting in touch oh “wapakels”(huy) Emoticon man ang reply oh wow kiligkilig paden(uh-huh) kahit na anong ilap mo ikaw lang ang susunden(bongga) Makukuha din kita hahahaha wow iba kaden -Repeat Chorus- (RAP Part) I ask a signal wag lng sanang red flag hanap ko green kahit pa yan ay na sa dream lang Sinusuyo araw araw kaya baby please lang kahit na to ay panaginip ikaw ang aking best man nag bago ihip ng hangin nang bigla syang nag paramdam yung dating dedma nag bago ngayon ay kinikindatan ang pusong ko na umasa ay parang bang kinidlatan biglang humaba ang hair sabay sabing pwede ako nalang? -Repeat Chorus-
Play Video
Play Video
03:23
HILING NG PUSO LYRIC VIDEO - ft. Palzki
“Hiling ng Puso” ay isang espesyal na awitin para sa isang pag-ibig na nagsimula sa online—dalawang taong pinagtagpo ng tadhana, nagkakilala sa distansya, at nagpatuloy ng kwento sa iisang buhay sa ibang bansa. Sa likod ng kanilang mga ngiti, dumaan sila sa matitinding pagsubok: 1. Pangungulila sa pamilya, 2. Paghihirap at pag-aadjust sa ibang bansa, 3. Mga career struggles na sinabayan ng pangarap na magkapamilya, 4. At ang patuloy na panalangin na balang araw ay pagkalooban sila ng anak na magiging pagpapala sa kanilang pag-ibig. Ngunit sa lahat ng unos, sila ay sabay na lumaban, sabay na bumangon, at sabay na nangarap. Tinulungan ng kanilang mga pamilya, sinuportahan ng mga kaibigan, at pinatatag ng pananalig sa Diyos—kaya’t ngayon, ang kanilang kwento ay nauwi sa isang magandang buhay, puno ng pag-asa at pagmamahalan. Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: PALZKI ALOVERA Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics : "HILING NG PUSO" (Verse 1) Nung una kitang na kilala ay tila isang pag kakakataong nag bukas makasama hangang wakas oh distansya man ang pagitan hindi na mapipigilang pag mamahal sayo ng kaytagal (Pre-Chorus) Ikaw ang kasama sa pag lalakbay habang hawak hawak ang iyong kamay hinding hindi basta hihiwalay (Chorus) Hiling ng puso pag ibig mo na walang hanggan ikaw at ikaw mag pakailanman pa man Hiling ng puso , ikaw na aking dulo sa pag mamahal na wagas sabay nating lalakbayin ang daan patungong wakas (Verse 2) Kaibigang mahal ngayon ikaw na ay kasal ang puso ngayon ay masaya ang pangarap mo dati ay natupad na (Pre-Chorus) sa araw na to isa lang ang dasal patibayin tiwala at pag mamahal at hinding hindi na mag hihiwalay (Chorus) hiling ng puso pag ibig mo na walang hanggan ikaw at ikaw mag pakailanman pa man Hiling ng puso, ikaw na aking dulo sa pag mamahal na wagas sabay nating lalakbayin ang daan patungong wakas (Last-Chorus) Hiling ng puso pag ibig mo na walang hanggan ikaw at ikaw mag pakailanman pa man Aking Mahal……. This is a dedicated song to SUEJONG Love Team.
Play Video
Play Video
03:49
PAGHILOM LYRIC VIDEO - ft. Jaira Mayus
Ang awiting ito ay isang makapangyarihang paglalakbay tungo sa paghilom mula sa mga sugat ng nakaraan at kasalukuyan—mga sugat na iniwan ng kabiguan sa pag-ibig, pagbagal ng karera, at pagkawasak ng ilang pagkakaibigan. Sa kabila ng mga mapanghusgang tao at mapapait na karanasang bumalot sa puso, natutuhang gawing lakas at inspirasyon ang bawat sakit upang muling mabuo ang sarili. Sa bawat dagok ng buhay, piniling manatiling positibo, mabait, at matatag—lumalaban nang may ngiti at may hawak na pag-asa. Ipinapaalala ng awiting ito na dumarating ang paghilom sa tamang panahon. Maging ang pusong minsang nanghina ay muling titibok sa tulong ng tapat na pagmamahal, mga bagong simula, at panibagong pag-ibig na muling nagbibigay saysay, direksyon, at liwanag sa buhay. Composed & Interpreted by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics : "PAGHILOM" (Verse) Ang puso may nasaktan Madapa man sa pupuntahan Alam ko naman na hindi Matatago ang nag kukubling Mga sugat ng sandali Pag ibig man ang syang sanhi Kelan matatagpuan Pag mamahal na ako naman (Pre-chorus) Sana ang paghilom sa sandali Ang mga luha'y palitan ng mga ngiti (Chorus) ngayon ako naman ang mag bibigay sa aking puso ng wagas na pag mamahal Oh ang bagong yugto ay muli nang bubuksan kasabay ng pag limot ang pag hilom sa nakaraan nag daan (2nd verse) di na muling matatakot pang malunod sa agos ng mga pagsubok na patuloy kong pinapasan kahit na nasaktan ang puso hinding hindi mag babago at handa na ko muling bumangon (Pre-chorus) Sana ang paghilom sa sandali Ang mga luha'y palitan ng mga ngiti (Chorus) ngayon ako naman ang mag bibigay sa aking puso ng wagas na pag mamahal ang bagong yugto ay muli nang bubuksan kasabay ng pag limot ang pag hilom sa nakaraan nag daan Woahhhhhh hmmmm (Last chorus) kasabay ng pag limot ang pag hilom sa nakaraan nag daan WAIT FOR THE COVER VERSION....
Play Video
Play Video
03:49
PAGHILOM COVER VERSION LYRIC VIDEO - ft. Arvi Bernardo
Short Takeaways – Paghilom 🌱 - Ang sakit ay hindi wakas, kundi simula ng paghilom at pagbabago. - Lahat ng sugat—mula sa pag-ibig, karera, at pagkakaibigan—may tamang panahon para gumaling. - Sa gitna ng panghuhusga at hirap, puwedeng piliin ang kabaitan at pagiging positibo. - Ang pagbangon ay tahimik minsan, pero totoo at makapangyarihan. - Kapag pinili ang pag-asa, muling titibok ang pusong minsang napagod. - May bagong simula at liwanag na naghihintay sa pusong handang maghilom. Composed & Interpreted by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Cover Version by: ARVI BERNARDO Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA This is a cover song. All credits go to the original artist and composer. No copyright infringement intended. Lyrics : "PAGHILOM" (Verse) Ang puso may nasaktan Madapa man sa pupuntahan Alam ko naman na hindi Matatago ang nag kukubling Mga sugat ng sandali Pag ibig man ang syang sanhi Kelan matatagpuan Pag mamahal na ako naman (Pre-chorus) Sana ang paghilom sa sandali Ang mga luha'y palitan ng mga ngiti (Chorus) ngayon ako naman ang mag bibigay sa aking puso ng wagas na pag mamahal Oh ang bagong yugto ay muli nang bubuksan kasabay ng pag limot ang pag hilom sa nakaraan nag daan (2nd verse) di na muling matatakot pang malunod sa agos ng mga pagsubok na patuloy kong pinapasan kahit na nasaktan ang puso hinding hindi mag babago at handa na ko muling bumangon (Pre-chorus) Sana ang paghilom sa sandali Ang mga luha'y palitan ng mga ngiti (Chorus) ngayon ako naman ang mag bibigay sa aking puso ng wagas na pag mamahal ang bagong yugto ay muli nang bubuksan kasabay ng pag limot ang pag hilom sa nakaraan nag daan Woahhhhhh hmmmm (Last chorus) kasabay ng pag limot ang pag hilom sa nakaraan nag daan
Play Video
Play Video
04:12
MUNDO LYRIC VIDEO - ft. Ian Montero & Shell Labanon
Sequel Story ng Alon ng Boses - Ang "MUNDO" ay isang awit tungkol sa isang pag-ibig na bawal ipagsigawan — isang forbidden love na kahit maraming humahadlang, mas pinipili pa rin ng dalawang puso na manatiling magkadikit, kahit sa katahimikan lamang. Sa bawat liriko, naroon ang pangungulila at pananabik, ngunit higit sa lahat, naroon ang pag-asa. Pag-asa na darating ang araw kung kailan malaya na nilang maipapahayag ang kanilang pagmamahalan, kahit na ngayon ay ikinukubli lamang nila ito sa ilalim ng mga bituin, sa lihim na pag-ikot ng kanilang sariling “mundo.” Sa dulo, ipinapakita ng kanta na kahit gaano kahirap ang sitwasyon, ang tibok ng puso ay mananatiling tapat. Sapagkat sa kanilang “mundo,” kahit bawal at tahimik, ang pagmamahalan ay tunay at totoo. Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: IAN MONTERO & SHELL LABANON Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA "MUNDO" Lyrics (Verse1) Sa Bawat tingin sayong Mata ay ramdam ko na ang lihim na gustong isigaw na mahal kita oh ma aantay ba? na dumating yung araw na isasayaw ka (Pre-chorus) Sa gitna ng ulan habang hawak ko ang iyong kamay sabay tayong hihimlay (Chorus) Ikaw ang tanging mundo kahit magulo isisigaw ko ay tanging pangalan mo Oh kahit na hindi pa tamang panahon andito lang ako mahal pangako yon (Verse2) Slow Rap Nakaw man ang sandali na makasama ka sa pag ibig natin na tila isang pelikula kahit pa madaming may ayaw pagibig mangingibabaw at hindi ako susuko hangang dumating yung araw Na handa nang humarap at isigaw sa may kapal at sabay na sasabihin hanap ko tanging ikaw handang handa kitang piliin kahit di mo man pilitin sa mundo na binuo ikaw ang tinging iibigin (Pre-chorus) gusto kong sabihin sayo na mahal kita at ikaw ang pipiliin ko hangang pag tanda kahit palihim ay paparoon walang hangan ang tali yan ang aking tugon (Chorus) ikaw ang tanging mundo kahit magulo isisigaw ko ay tanging pangalan mo kahit na hindi pa tamang panahon andito lang ako mahal pangako yon (Final chorus) kahit hindi pa tamang panahon andito lang ako mahal pangako yon MUSIC VIDEO will be released SOON
Play Video
Play Video
04:18
SANDIGAN LYRIC VIDEO - ft. Iron Flores
Ipinagmamalaki ng Nextwave na ihatid ang kanilang pinakabagong inspirasyonal na awitin, "SANDIGAN" — isang makapangyarihang kanta na iniaalay para sa lahat ng matitibay na taong sa wakas ay pinili munang unahin ang kanilang sarili, matapos ang mahabang panahon ng palaging inuuna ang iba. Ito ay handog para sa mga breadwinner, sa mga patuloy na naghahanap ng liwanag sa gitna ng pagod at laban ng buhay, at sa mga taong lubos na nagpapasalamat sa mga kaibigang nagsilbing sandigan sa oras ng panghihina. 🎵 Ito ang ating awitin ng pasasalamat at pagkakaroon ng lakas ng loob na piliin ang sarili. “Ako naman muna ang pipili sa sarili, salamat sa mga nanatili. Kayo ang tanging kong lakas…” Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: IRON FLORES Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics of "SANDIGAN" (Verse1) Madami man labang daraanan Patuloy parin ako sa pag lalakbay at kahit sarili ang sandigan Para sa pamilya ko'y handang lumaban (Pre-chorus) kahit mapagod di titigil hangang sa aking maabot ang mga pangarap na ang tinig ko ang syang tanging sayo (Chorus) Ako naman na muna ang pipili sa sarili salamat sa mga nanatili Kayo ang tangi kong lakas sa nakakapagod na landas at ako ang kasama mo hangang sa wakas (Verse2) Alam ko ang buhay di karera kaya dahan dahan lang ang aking hakbang Madilim man ang aking daraanan Alam kong liwanag din ay makakakamtan (Pre-chorus) Ang aral na dulot ng kaibigan ang syang inspirasyon Darating din yung mga araw na hiling mula pa noon (Chorus) Ako naman na muna ang pipili sa sarili salamat sa mga nanatili Kayo ang tangi kong lakas sa nakakapagod na landas at ako ang kasama mo hangang sa wakas (Bridge) Ohhh Hangang wakas Kayo ang aking syang lakas (Final Chorus) Ako ako naman na muna ang pipili sa sarili salamat sa mga nanatili Kayo ang tangi kong lakas Sa nakakapagod na landas At ako ang kasama mo hangang sa wakas Hmm …. Sa wakas
Play Video
Play Video
04:02
SAPAT NA LYRIC VIDEO - ft. Sky Nape
Ang awiting “Sapat Na” ay isang makabagbag-damdaming kwento ng pag-ibig na hindi ipinaglaban, ngunit piniling pahalagahan sa tahimik na paraan. Ipinapakita ng kanta ang sakripisyo ng isang taong marunong magparaya—ang taong handang magmahal kahit walang kapalit, at masayang makita ang minamahal na masaya, kahit hindi siya ang kasama. Sa bawat linya, ramdam ang tagpo ng lihim na pag-ibig—mga titig na may kahulugan, mga pangarap na di nasambit, at mga dasal na sana ay magtagpo rin sa tamang panahon. Ngunit sa dulo, pinipili ng puso ang katahimikan at dignidad, dahil minsan, ang tunay na pagmamahal ay ang pagpapalaya. Ang “Sapat Na” ay awit ng pagpapakumbaba, pagparaya, at tahimik na pag-ibig—isang pagpapatunay na kahit walang “kami,” sapat na ang may “ikaw” sa puso. Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: SKY NAPE Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics of "SAPAT NA" Final Story : Trilogy Song (Alon ng Boses & Mundo) [Verse 1] Di ko di naman mawari kung pano napaibig sa iba ang sigaw Di ba pwede na mapa sakin ka? kahit na kunwari basta nandiyan ka Sa aking tabi kahit pa na sandali pangako ikaw lang ang mamahalin [Chorus] Sapat na sa akin na hindi talaga ako ang kasama hanggang sa pagtanda Sapat na sa akin na makita kita na masaya sa piling man ng iba [Verse 2] Kay daming mga tanong at pahiwatig na baka sakaling totoo ang mga pinaramdam Pero hindi ko sisirain ang tiwala mo mas pipiliin ko na kaibigan at di ang gusto [Pre Chorus] Na mahalin ka kahit na palihim sa panaginip ko ikay kapiling [Chorus] Sapat na sa akin na hindi Talaga ako ang kasama hangang pag tanda Sapat na sa akin na makita kita na masaya sa piling man ng iba [Bridge] ito ay lihim na hiling sa Poon na mahalin ako kahit na sa iba pang panahon hindi man ako ang yong tugon sapat ng magkaibigan lang tayo ngayon [Final Chorus] Sapat na sa akin na hindi Talaga ako ang kasama hangang pag tanda Sapat na sa akin na makita kita na masaya sa piling man ng iba SOON TO RELEASED THE MUSIC VIDEO.
Load More
bottom of page